Wala lang, napag-trip-an ko na namang gumawa ng website! Malamang mahuhulahan niyo kung anong klaseng website ang ginagawa ko ngayon kung nagbabasa kayo ng New Beginning blog ko.
Wala pa siyang halos laman. Sinet-up ko palang yun layout at ka-isa-isang page (”Music”). Maliban sa pag-post ng mga musika, ang dami ko pang gustong gawin sa website gaya ng lagyan ng mga pictures, konting pagtatalakay tungkol sa tema ng website. Kaya lang, hindi ako nakakasiguradong magagawa ko kaagad lahat ng plano ko kasi bukas magtratrabaho na ako ulit. So good luck nalang noh? Hehehehe..
Eto yun screen capture ng website - baka sakali lang na gusto niyong makita

Ayan, kung mapapansin niyo, eto palang talaga ang ayos - http://twilightmovie.ph.vg/music/. Sana ay sa aking susunod na pag-blo-blog, mas madami ng laman yun website. He he he
Merry Christmas sa inyong lahat!
P.S.
Sobrang gusto ko din pala itong quote na ito galing sa libro ng Twilight –
“Surely, it was a good way to die, in the place of someone else, someone I loved. Noble, even.”
It so reminds me of my mom. She chose to be by my side when she left Earth and went to Heaven.